Ginisang Kangkong

Posted by yanti on Friday, May 1, 2015



 Ang kangkong ay masustansya at masarap, madali pang lutuin, kaya sabayan ninyo akong  lutuin ito.

Mga Sangkap
2 tali kangkong ( himayin at hugasang maigi)
2 kutsarang patis or toyo
1 sibuyas (hiniwa)
5 butil ng bawang ( pinitpit at hiniwa)
1 kamatis ( hiniwa)
asin at paminta ayon sa iyong panlasa


Paraan ng pagluto:
1. Gisahin ang bawang  hanggang maging brown at kumuha ng kaunti para ilagay sa ibabaw pagnaluto n aang kangkong. 
2. Idagdag sa pagisa ang sibuyas at kamatis hanggang sa lumambot, lakasan ang apoy saka ilagay ang kangkong, haluing maigi at ilagay ang patis o toyo, timplahan ng asin at paminta, haluin hanggang sa maluto.
3. Ihain kasama ang kanin.




{ 0 comments... read them below or add one }

Post a Comment