Ang sapin-sapin ay isa sa mga masasarap na kakaning Pinoy na gawa sa giniling na malagkit. Mula noong bata pa ako ay paborito ko na ito, gusto kong maging perfect ang sapin-sapin kapag gumawa ako kaya kahit may idea na ako paano ang paggawa di ko pa rin sinubukan at gusto ko talagang masaksihan ng aking dalawang mata kung paano ito gawin at tamang tama naman dahil birthday ng mahal naming bata na si Niel, gumawa ang kaibigan kong si Melissa Martines ng sapin-sapin at ito ang kanyang version, tiyak pong magugustuhan nyo, simple at madali lang po. Gagawin ko ito bukas, sabay tayo? :-).
Mga Sangkap:
1/2 kilo giniling na malagkit
1 lata gatas na condensada
1/2 litro fresh milk or evaporated milk
1 cup pure coconut milk
1/2 kutsarita yellow food coloring
1/2 kutsarita purple food
1 tasa ng latik ( pangbudbud)
Procedure:
1. Paghaluin ang giniling na malagkit, at mga gatas, kapag nahalo ng maigi hatiin sa tatlong bahagi, at lagyan ng food coloring ang dalawang bahagi na magkabukod, haluing maigi.
2. Iisteam ang unang bahagi, kapag luto na ibuhos ang ikalawang patong at hintaying maluto saka ibuhos ang panghuling bahagi at takpang maigi hanggang sa maluto.
3. Kapag luto na ay hanguin ito, palamigin bago alisin sa hulmahan. Hiwain ayon sa laki na ibig mo, budburan ng latik, at ihain ng may pagmamahal :-).
Paalala; Pahiran ng mantika mula sa langis ng pinaglatikan ang hulmahan na gagamitin para hindi dumikit ang sapin-sapin.
Around 10 minutes lang ang pag steam ng bawat layer, pero depende rin kung gaano ka kapal ang layers nyo.
{ 0 comments... read them below or add one }
Post a Comment