Ensaladang Kangkong

Posted by yanti on Wednesday, January 28, 2015


Masarap na masustansya pa, kaya subukan nyo na ang potaheng ito.


Mga sangkap:
2 Tali kangkong
2 Kamatis 
1 sibuyas
2 tablespoons calamansi Juice
Asin ayon sa iyong panglasa
Pamintang durog ayon sa iyong panlasa

Paraan ng Pagluluto:
1. Linisin ang kangkong, magpakulo ng tubig at kapag kulong-kulo na ilagay ang kangkong at pagklipas ng ilang segundo ay hanguin, ilagay sa isang tabi para tumulo ang tubig.
2. Hiwain ang kamatis at sibuyas ayon sa iyong ibig, paghaluin  ang lahat ng mga sangkap.Pwedeng budburan ng hiniwang dahon ng sibuyas kung ibig mo.
3. Ihain na may pagmamahal :-).

{ 0 comments... read them below or add one }

Post a Comment